2 dedo sa NPA ambush

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang isang sundalo ng Phil. Army ang napatay makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi ng Barangay  Kingking sa bayan ng Pantukan, Compostela Valley kamakalawa. Ayon kay 1st Lt. Alexandre Cabales, acting Public Affairs Office chief ng Army’s 10th Infantry Division, patungong Barangay Magnaga ang dalawang sundalo ng Peace and Development Team ng Army’s 71st Infantry Battalion kasama ang drayber ng habal-habal nang tambangan ng mga rebelde. Gayon pa man, mabilis na nakaresponde ang mga sundalong nakatalaga malapit lamang sa nasabing lugar kaya nagsiatras ang mga rebelde. Samantala, nagpaabot na ng  pakikiramay si Maj. General Rafael Valencia, commander of 10th Infantry Division sa pamilya ng mga napatay na biktima.

Show comments