CAMARINES NORTE, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 14-anyos na lalaki matapos itong pagtatagain ng kanyang nakaalitan sa Sitio Looban, Barangay Barcelonita sa Cabusao, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Gino Velarde habang nasakote naman ang suspek na si Gil Rubi, 21, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nabatid na nakatayo lamang ang biktima nang lapitan at pagtatagain ng suspek bandang alas-10:30 ng gabi. Pinaniniwalaang may matagal ng alitan ang dalawa at natiyempuhan lamang ang biktima na nag-iisa sa nasabing lugar.