BULACA, Philippines – Apat na miyembro ng notoryus na drug syndicate ang napaslang matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang drug bust operation sa Sito Crasher, Barangay Minuyan sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng umaga
Sa inisyal na ulat na isinumite kay Bulacan PNP director P/Senior Supt. Ferdinand Divina, target ng operasyon ang pinagkukutaan ng grupo ni Eric Espinosa na sinasabing drug syndicate sa Barangay Bigte sa nasabing bayan.
Subalit sa halip na sumuko ay nagpaulan ng bala ang mga miyembro ng sindikato na nauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig kung saan napatay ang apat na nakilala lamang sa mga alyas Andrew Bangkay, Ryan Gonzales, Sanoding Titocalan at Alyas Sinor na pawang nasa drug watchlist ng pulisya.
Ayon sa raiding team na si P/Supt. Joel Estaris, nakatakas naman ang itinuturong lider ng sindikato na si Eric Espinosa at dalawa nitong tauhan.
Samantalang 12 namang miyembro ng sindikato ang nasakote na sina Reyson Roque, Reynaldo Bernardo, Amiray Uspo, Diane Borcena, Kabeda Obinay; Liezel Feliciano; Karen Tala, Maryjoy Dumani; Ruby Dumapi; Salima Pangandaman; Rowena Baylon at Jenny Montalban.
Nabatid na isinailalim sa masusing surveillance operations ang grupo ng sindikato matapos na makatanggap ng ulat kaugnay sa talamak na bentahan ng droga sa nasabing lugar.
Narekober naman ni P/Insp. Wilfredo Dizon Jr.ang apat na homemade 12 gauge shotgun, smoke grande, granada, rifle air gun, P.3 milyong halaga ng shabu, bulto ng marijuana, digital weighing scale, dalawang motorsiklo, trasysikel, at mga drug paraphenalias.