Retiradong pulis nilikida

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 49-anyos na retiradong pulis habang sugatan naman ang kanyang kaibigan makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan ng traysikel sa Brgy. Bahay-Pare, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng mada­ling araw. Kapwa isinugod sa Mary Mount Hospital subalit namatay habang ginagamot si Raymon Calica kung saan nakaligtas naman si Reynante Mejia, 32, karpintero at mga nakatira sa Elysian Homes sa nasabing barangay. Pinaghahanap naman ang mga suspek na sina Bryan Flores at isang alyas Vergel. Ayon kay PO3 Rafael Briñoza, magkasamang naglalakad ang mga biktima patungo sa tindahan nang harangin at ratratin ng mga suspek. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng cal.45 psitol.

Show comments