Militar vs NPA: 1 dedo, 2 sugatan

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang isang rebeldeng New People’s Army (NPA) habang sugatan naman ang dalawang kasama nito makaraang makipagsagupaan sa tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Barangay Cabangaan, Malaybalay City, Bukidnon, ayon sa report kahapon. Ayon kay Lt. Col. Jesse Alvarez ng 403rd Infantry Battalion ng Philippine Army, naglunsad ng reconnaissance and surveillance operation ang militar nang makasagupa ang pangkat ng rebelde. Base sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo nakasagupa ng 1st Special Forces Battalion ang grupo ng Guerilla Front Committee 68 ng NPA. Sa kasagsagan ng bakbakan ay nagsiatras ang mga rebelde kung saan narekober sa encounter site ang isang bangkay ng rebelde habang dalawang iba pa ang sugatan na hawak na ng militar kung saan ginagamot.

Show comments