Habal-habal drayber, itinumba

NORTH COTABATO, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 44-anyos na habal-habal driver matapos itong pagbabarilin ng kanyang pasaherong lalaki sa bahagi ng Ilang-ilang Street sa Barangay Rosary Heights 6, Cotabato City, Maguindanao, kahapon ng umaga.

Ayon sa hepe ng Cotabato City PNP P/Senior Supt. Rex Anongos, bandang alas-11:15 ng umaga kahapon nang barilin ang biktimang si Angelito Lorenzo ng Barangay RH-4 sa nabanggit na lungsod. Matapos na mabaril ay agad na tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo sa di-natukoy na direksyon. Ayon pa kay Anongos, naisugod pa sa pagamutan ang biktimang napuruhan sa ulo subalit binawian din ito ng buhay.

Show comments