Ama na gumahasa sa 2 anak, timbog!

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato, Philippines – Hindi na nakapalag ang isang 35-anyos na ama nang posasan ng mga awtoridad dahil sa umano’y panghahalay sa dalawang sariling anak sa Kidapawan City kahapon.

Isa umano sa anak ng suspek ay person with di­sability o PWD.

Nahuli ang suspek dalawang araw matapos magsumbong ang lolo ng mga biktima sa himpilan ng pulisya.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte, tuluyan nang bumagsak ang suspek sa kamay ng mga awtoridad matapos ang ginawang ope­rasyon sa pamumuno ni Sr. Insp. Samuel Bascon, deputy chief ng Kidapawan City Police sa mismong bahay ng una.

Nabatid na matagal na umanong minomolestya ng suspek ang dalawang anak. Tinatakot umano niya ang mga anak para hindi magsumbong sa mga pulis o kaanak sa ginagawang pang-aabuso.

Show comments