7 tiklo sa buy-bust

Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, dakong alas-11:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek na si Santiago habang nakikipaglamay sa namatay na kapitbahay kung saan isinagawa ang buy-bust operation. Philstar.com/File

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang pito-katao sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Libtong, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Charito “Cheche” Santiago, 34; Chito Laxamana, 37; Jeremiah Ocampo, 41; Randy Uy, 24; Alvin Jude Añano, 29; Sydney Quinto, 20; at si Wilfredo De Leon, 29, ng Barangay Malhacan. Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, dakong alas-11:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek na si Santiago habang nakikipaglamay sa namatay na kapitbahay kung saan isinagawa ang buy-bust operation. Gayon pa man, naaktuhan naman ng pulisya ang anim na suspek sa pot session. Pansamantalang nabulabog ang lamayan matapos sumalakay ang mga operatiba ng pulisya subalit napayapa rin kinalaunan. Nasamsam sa mga suspek ang limang pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Show comments