Magpinsan patay sa barilan

Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na kinompronta ni Adta ang kanyang pinsang si Adam habang ito ay nakaupo sa detachment ng Cafgu. Gayon pa man, nagalit si Adta kaya niratrat at napatay ang kanyang pinsan. Philstar.com/File

NORTH COTABATO, Philippines - Patay ang magpinsang magsasaka sa naganap na pamamaril sa Sitio Matingao, Barangay Malapag sa bayan ng Carmen, North Cotabato kahapon ng hapon. Kinilala ang mga napatay na sina Abubacar Buto Adam, 57; at Ting Adam Adta, 49, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na kinompronta ni Adta ang kanyang pinsang si Adam habang ito ay nakaupo sa detachment ng Cafgu. Gayon pa man, nagalit si Adta kaya niratrat at napatay ang kanyang pinsan.

Agad namang rumes­ponde ang pangkat ng Cafgu kung saan pinasusuko si Adta subalit naki­pagbarilan ito hanggang sa mapatay.

Narekober sa crime scene ang cal.45 pistol, 2 magazine, pitong bala at ang pitaka ni Adam.

Show comments