Market admin, minartilyo sa ulo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 55-anyos na market administrator makaraang martilyuhin sa ulo ng isang vendor na sinasabing nakumpiskahan ng timbangang may daya sa Barangay Villa Maria sa bayan ng Enrile, Cagayan Kamakalawa. Naisugod sa St. Paul’s Hospital ang biktimang si Emindo Danao habang nasakote naman ang suspek na si Mario Anog, 49, ng nasabing barangay. Ayon kay PO3 Jaime Lallaban, nagmomotorsiklo ang biktimang kaangkas ang kanyang misis nang harangin ng suspek. Kinompronta ng suspek ang biktima kaugnay sa kinumpiska nitong timbangan na ginagamit sa pagtitinda sa palengke. Tumanggi naman ibalik ng biktima ang nakumpiskang timbangan kaya ito minartilyo sa ulo ng suspek.

Show comments