21-anyos nagbigti dahil ampon

CEBU, Philippines – Nagbigti ang 21-anyos na lalaki matapos nitong madiskubre na siya ay isang ampon sa Barangay Malbago, Daanbantayan sa Cebu noong Biyernes ng hapon. Ayon sa pulisya, si Edward Godinez ay nag-suicide matapos iwan ng kanyang mga magulang sa kanilang bahay. Napag-alaman din na si Godinez ay naging desperado makaraang madiskubre nito na siya ay adopted son may dalawang buwan na ang nakalipas. Bago maganap ang insidente, nagparinig ang biktima na magpapakamatay subalit binalewala ng kanyang kaanak sa pag-aakalang nagbibiro. Nagmungkahi naman ang pulisya sa mga magulang na isailalim sa post-mortem examination ang bangkay ng biktima para mawala ang pangambang may naganap na foul play. Freeman News Service

Show comments