Dalagita ni-rape ng sekyu

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Inalukan muna ng pagkain saka hinalay ang 14-anyos na dalagita ng isang security guard sa Tuguegarao City, Cagayan, ayon sa ulat kahapon. Itinago sa pangalang Helen ang biktimang out of school youth at nakatira sa Barangay Ugac habang nasakote naman ang suspek na si Rolando Bunagan, 43, ng Centro 2 sa bayan ng  Enrile, Cagayan. Base sa ulat ng pulisya, pina­unlakan ng biktima  ang suspek na kumain sa fastfood. Gayunpaman, pagkatapos kumain ay dinala ang biktima sa binabantayang opisina ng suspek kung saan naganap ang panghahalay. Matapos ang panghahalay ay inalok ng weekly financial support ang biktima subalit binalewala naman ng dalagita. Kinabukasan ay naaresto ang suspek sa inilatag na entrapment operation sa tulong ng biktima na kunwaring muling makikipagkita.

Show comments