Barangay chairman, itinumba

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Napaslang ang 53-anyos na barangay chairman matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa General Luna Street, Barangay General Luna sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Lunes ng gabi. Idineklarang patay sa Good Samaritan Hospital ang biktimang si Chairman Ceasar Baltazar, may-asawa at nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon, lumilitaw na nasa loob ng kanyang tindahan ang biktima at kinakausap ang kanyang nanay nang ratratin ng tandem. Naitulak ng biktima ang kanyang ina kaya siya ang napuruhan ng limang bala ng baril.

Show comments