CAVITE, Philippines – Apat-katao na sinasabing mga pangunahing suspek sa pagpatay sa isang seaman sa Tagaytay City ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Langkaan 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.
Sa police report na isinumite kay P/Supt. Joseph Reyes, hepe ng Dasmariñas City PNP, kinilala ang mga suspek na sina Christopher Kyle Ernie, 31, ng Indang, Cavite; Ariston Jimena, 36, kawani ng lokal na pamahalaan; Paulo Hernandez, 35, call center agent sa Imus City; at si Raquino Omagap Jr., 31, trike driver at nakatira sa General Trias City, Cavite.
Isinailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek kaugnay sa pagpatay sa biktimang si Arnest John Agbayani ng Angono, Rizal noong Agosto 14, 2015 sa Tagaytay City, Cavite.
Narekober sa mga suspek ang dark blue na Subaru forester na may plakang ACA 4286 na sinasabing pag-aari ng biktima.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang Mitsubishi Adventure (AAP 3465), cal. 9mm pistol, mga bala, cal. 45 pistol, 3 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, 3 handheld radio, PNP black jacket, PNP green t-shirt; PNP bullcap at ilang papel na may drawing ng modus operandi.