Shootout: 2 bulagta, 3 sugatan

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang dalawang miyembro ng extortion group habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang makipagbarilan sa tropa ng militar kahapon sa bisinidad ng SK Pindatun Avenue sa Cotabato City, Maguindanao. Kinilala ni Cotabato City PNP director P/Senior Supt. Rex Anongos, ang mga napatay na sina Amina Adam at Roland Kabatuan. Lumilitaw na naaktuhan ng mga nagpapatrolyang pangkat ng 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army ang nasabing grupo na nanghaharas sa mga residente kaya sumiklab ang shootout na tumagal ng 20-minuto bago bumulagta ang dalawa. Naaresto naman ang lider ng grupo na si Robin Montes alyas Kumander Black Moro na isinailalim na sa tactical interrogation.

Show comments