Magnitude 4.1 na lindol tumama sa Surigao del Norte

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Surigao del Norte Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang sentro ng lindol sa 27 kilometro hilaga-silangan ng Burgos, Surigao del Norte ganap na 8:22 kagabi.

May lalim na 19 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity 4 sa bayan ng Burgos at General Luna, habang Intensity 3 sa Surigao City, Loreto, Dinagat Islands, Socorro, at Intensity 2 naman sa Mainit.

Wala namang naitalang pinsala ang lindol at aftershocks.

Samantala, magnitude 3 naman ang yumanig sa Paoay, Ilocos Norte kaninag umaga.

 

Show comments