Dart player kalaboso sa buy-bust

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang 38-anyos na professional dart player matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Pulong Buhangin, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kaagad na kinasuhan sa prosecutors office ang  suspek na si Mervin Manansala ng Garden Village sa nabanggit na barangay. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Rodolfo Hernandez, ni-raid ng lokal na PNP-Drug Enforcement Unit ang bahay ni Manan­sala matapos na makabili ang nagpanggap na poseur-buyer ng isang plastic sachet ng shabu. Nasamsam sa suspek ang apat na sachet ng shabu, digital weighing scale, mga drug paraphernalia at ang mark money na ginamit ng pulisya sa operasyon. Nabatid din sa ilang kapitbahay ng suspek na kalimitan itong nagpapaputok ng baril sa tuwing gumamit ng shabu.

Show comments