3 arestado sa drug bust

QUEZON, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Lucena PNP, PDEA, at Quezon CIDT ang lider at dalawang tauhan ng grupong drug courier at kawatan ng motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa Purok Bagong Sinag, Brgy. Cotta  sa Lucena City, Quezon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Michael Ranillo, 42, lider ng Ranillo Group na may operasyon sa ibat-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon; Jay Peña, at si John Kelvin Potestades. Ayon kay P/Supt. Joel Llanora de Mesa, hepe ng Lucena City PNP, sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Cynthia  Ricablanca ng Sta. Cruz Regional Trial Court  Branch 27 sa Laguna. Nasamsam sa mga suspek ang isang cal. 45 pistol, granada, mga bala, drug paraphernalia at motorsiklo na pinaniniwalaang nakaw.

Show comments