Tulak dakma sa arms cache

CAVITE, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 38-anyos na sinasabing drug pusher matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa nadiskubreng arms cache sa Sitio Humayao, Barangay Langkaan 2 sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Pormal na kakasuhan ang suspek na si Roman Hernandez Narvaez na nakumpiskahan ng ilang plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia, digital weighing scale, pitong cal. 38 revolver, cal. 357 revolver, at iba’t ibang bala ng mga armas. Ayon sa pulisya, sinalakay ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni  ni Judge Cynthia Ricablangka ng Sta. Cruz Regional Trial Court sa Laguna. Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon sa kanya ng pulisya.

Show comments