P.3-M nalo sa STL, tinangay ng kahero

QUEZON, Philippines –Tinutugis ngayon ng pulisya ang 34-anyos na kahero ng Small Town Lottery sa Calamba City makaraang itakbo nito ang P.3 milyong cash na pambayad sa tumamang numero kamakalawa ng hapon sa Barangay Poblacion, bayan ng Tiaong, Quezon. Nahaharap sa kasong qualified Theft ang suspek na si Reynaldo Maniebo, kahero ng RAMLOID-PCSO-STL sa Barangay Palao, Calamba City branch sa Laguna at nakatira sa Barangay Pahinga Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon. Sa salaysay ng chief auditor ng kompanya na si Susana Ramos, nagtungo ang suspek sa kanilang opisina kamakalawa ng hapon para kunin ang P302,017.00 cash na ibibigay sa kakulangang tinamaang numero sa STL draw noong Agosto 29, 2015. Subalit hindi ibi­nigay ng suspek ang nasabing halaga sa nanalo at nawawala na rin ito.

Show comments