Pulis, 1 pa tiklo sa carnapping

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 26-anyos na pulis at kasabwat nito sa sindikato ng carnapping makaraang masakote sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Guijo, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina PO1 Jayson Deyrit ng 3rd Maneuver Platoon ng Provincial Public Safety Company sa Brgy. Turo, Bocaue; at Reynaldo Fernando, 36, trycycle driver at mga nakatira sa Francisco Homes Subd. sa nasabing barangay. Sa ulat ni P/Supt. Charlie Cabradilla, dinakip ang mga suspek dahil sa reklamo ng biktimang si Roberto Ducut ng Barangay Gaya-Gaya kung saan ninakawan ng traysikel. Sa follow-up operation ay nasakote ang mga suspek kung san narekober ang tatlo pang motorsiklo na pinaniniwalaang sinikwat ng dalawa.

Show comments