Ex-pulis inutas sa inuman

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 34-anyos na dating pulis matapos itong pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki habang nakikipag-inuman sa kanyang kaibigan sa Barangay Encanto, bayan ng Angat, Bulacan kamakalawa ng gabi. Apat na tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Belarmino Tayag ng Brgy. Sta. Cruz  habang hindi naman idinamay ang kainuman nitong si Edwin Punzal, 44, ng Brgy. Encanto sa nasabing bayan. Ayon kay PO3 Edward Occeña, nag-iinuman ang biktima at kaibigang si Punzal nang lapitan at ratratin ng gunmen. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ang baril habang patuloy naman ang im­bestigasyon.

Show comments