Dalagita binirong patay ang bf, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Na-‘wow mali’ ang 15-anyos na dalagita na binirong patay na ang kanyang boy friend matapos itong magbigti kamakalawa sa bayan ng Iguig, Cagayan. Ayon kay PO2 Dan August Begenio, huli na nang malaman ng mga magulang ng 4th year high school na si Amanda Kaye Perez na ang natanggap nitong text message sa utol ng kanyang boyfriend na patay na ito dahil sa diarrhea ay masamang biro.? Lumalabas sa imbestigasyon na nagkulong ang dalagita sa kuwarto sa bahay ng kanyang tiyahin sa Barangay Baculud nang matanggap ang birong text message. Nadiskubre ng mga kaanak ng biktima na nagbibiro lamang ang utol ng nobyo nito kung saan balak ng pamilya ng dalagita na sampahan ng kasong kriminal ang sinasabing prank texter.

 

Show comments