3 kalaboso sa P.2-M shabu

File photo

BULACAN, Philippines – Tatlo-ktao kabilang ang magka-live-in ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya makaraang makumpiskahan ng P.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Burol 2nd, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa. Kasalukuyang pinipigil sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na sina Amelito Luanzon, 51, ika-3 sa drug watch list ng PNP; Rosario Castro, 45; at si Erwin Fernandez, 32, ng La Aldea Subdivision sa Barangay Ilang-Ilang sa bayan ng Guiguinto. Base sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Voltaire Rivera, ang mga suspek ay nakumpiskahan ng 105 gramo ng shabu at limang plastic sachet ng shabu matapos salakayin ang bahay ni Luanzon sa nasabing barangay.

 

Show comments