Mag-lover tiklo sa pangangalunya

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang sinasabing magkalaguyo makaraang masakote ng pulisya kaugnay sa kasong adultery na isinampa ng kani-kanilang asawa sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan kamakalawa. ?

Sa pahayag ni P/Senior Insp. Antonio Bangayan, hepe ng Sanchez Mira PNP, magkasamang naglalakad sa Manila North Road sa Brgy. Centro 1 ang mag-lover na sina Jimmy Balanay, 37; at Ethelyn Colobong, 38, nang isilbi sa kanila ni SPO4 Rizal Castillo ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Maria Teresa Ruiz ng Municipal Circuit Trial Court.?

Napag-alaman na kapwa nagsasama ang dalawa sa Barangay Nagrangtayan kung saan iniwan ang kani-kanilang pamilya kaya nagsampa ng kasong adultery ang kani-kanilang asawa.

?Ikinulong sa magkahiwalay na selda ang magkalaguyo sa Bureau of Jail Management and Penology sa bayan ng Ballesteros matapos mabigong maglagak ng P12,000 piyansa.

 

Show comments