Lalaki na pumatay sa mag-ina natagpuang patay sa selda

Batangas, Philippines - Palaisipan pa rin sa mga pulis nang ma­tagpuang patay sa loob ng kanyang selda ang lala­king nag-amok at nakapatay sa mag-inang sina Mary Rose Señeres at Din-Din at ikinasugat ng tatlong iba pa noong Lunes sa bayan ng Sto. Tomas. Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ay nagsasagawa ng routine inspection si PO1 Mara Ranada nang mapansin nito ang suspek na si Eric Evangelista na walang malay tao ng isugod sa ospital si Evangelista ay idenekla­rang dead-on-arrival. Humingi na rin ng tulong sa SOCO mula sa Region 4 ang Sto. Tomas police para sa isang technical crime scene investigation at autopsy examination sa suspek.

 

 

Show comments