Dalaga nilamon ng alon

MANILA, Philippines – Nilamon ng tubig-dagat ang 30-anyos na dalaga habang nakaligtas naman ang dalawa nitong pinsan sa karagatan ng Punto des Embarco sa Brgy. Sta Cruz, Dapitan City, Zam­boanga del Norte kamakalawa. Naisugod pa sa Rizal Memorial District Hospital subalit idineklarang patay si Analiza Baquir ng Barangay Ba-ao sa nasabing lungsod. Kinilala naman ang dalawang survivor na sina Nating Pactol at Victoria Tinaytay. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, magkasamang luma­ngoy ang mga biktima nang biglang umihip ang malakas na hangin at tangayin ang mga ito. Nagkataon namang napadaan ang isang mangingisda kaya nasagip sina Pactol at Tinaytay subalit nalunod naman ang dalaga. Makalipas ang dalawang oras ay narekober ang katawan ng biktima matapos itong lumutang malapit sa seawall ng Brgy. Bagting.

Show comments