4 tiklo sa shabu, baril at granada

CAMARINES NORTE, Philippines –  Apat-katao na sinasabing mi­yembro ng sindikato ng droga ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa bahagi ng Zone 2, Sagrada, bayan ng Baao, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuha ang mga suspek na sina Jerry Molina, 35, ng San Jose, Iriga City; Jerry Monedero, 51, ng Malauag, Nabua, Camarines Sur; Pablo Guanzon, 48, ng Duran, Balatan, Camarines Sur; at isang nagngangalang Chanda na alyas Budang, 51, ng Barangay Sagrada. Sina­lakay ang bahay ni Budang sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Timoteo Panga ng Iriga City Regional Trial Court. Nasamsam sa mga suspek ang apat na plastic sachet ng shabu, 2  cal. 38 revolver, mga drug paraphernalia, mga bala ng baril at granada.

Show comments