2 nilikida ng tandem

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines – Dalawa-katao ang napatay  sa naganap na magkahiwalay na karahasang isinagawa ng riding-in-tandem gunmen sa Angeles City, Pampanga noong Huwebes ng gabi.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Eden Ugale, kinilala ang dalawang napatay na si Wilfredo Flores, 50, ng #511 Claveria Street, Sta. Trinidad; at Rey Rodriguez ng Hensonville Subd., Barangay Malabanias sa Angeles City.

Sa ulat na isinumite sa Camp Julian Olivas, nagmomotorsiklo ang biktimang si Flores nang ratratin ng motorcycle riding gunmen sa bisinidad ng Barangay Sta. Trinidad sa nasabing lungsod.

Samantala, makalipas ang 30-minuto sumunod na itinumba si Rodriguez sa Barangay San Nicolas sa harap ng simbahan.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa bawal na droga ang isa sa motibo sa pamamaslang.

Show comments