Sundalo inambus ng BIFF!

Midsayap, North Cotabato, Philippines – Isang sundalo ang nasawi matapos na tamba­ngan at pagbabarilin ng mga rebelde sa Brgy. Nabalawag, Midsayap, North Cotabato kahapon ng hapon.

Sa report, kinilala ang biktima na si Cpl. Angelo D. Magtubo, kasapi ng Delta Battery ng 7th Field Artillery Battalion o FAB, AAR, Philippine Army.

Sa imbestigasyon, dakong ala-1:35 ng hapon habang sakay si Magtubo ng kanyang XRM 125 na motorsiklo nang pagsapit nito sa harap ng sari–sari store sa nasabing lugar ay pinagbabaril ng mga suspek na nakilalang sina Kins Awal aka Kins at Dolds Awal aka Dold, mga miyembro ni Commander Ibu Simpal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF gamit ang kalibre .45 pistol.

Tumakas sa ‘di malamang direksyon ang mga suspek tangay ang kalibre .45 na pistol ng biktima at motorsiklo nito.

Show comments