TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang dating pasyente ng mental hospital makaraang pagtatagain ng sariling ama dahil sa panghahataw ng dos-por-dos sa pag-aakalang masama itong espiritu kamakalawa sa Barangay Pinoma, Cauayan City, Isabela kamakalawa. Sa pahayag ng suspek na si Romualdo Subigay sa himpilan ng pulisya, malimit siyang ginugulpi ng anak na si William Subigay sa tuwing nalalango sa alak. Nabatid na na-confine sa mental hospital ang biktima sa loob ng sampung taon bago ito inilabas ng kanyang mga magulang. Pinaniniwalaang napagkakamalan ng biktima na masamang espiritu ang sariling ama kaya kalimitan nitong ginugulpi.?