Philippine Eagle "Pamana" utas sa pamamaril

Pinakawalan si Pamana nitong Hunyo 12 sa kagubatan ng Mt. Hamiguitan sa Davao Oriental bilang paggunita sa ika-117 Araw ng Kalayaan. Davao PIO photo

MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuan ang Philippine Eagle na si “Pamana” dalawang buwan matapos siyang pakawalan sa kagubatan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, may tama ng bala si Pamana na natagpuan sa San Isidro, Davao Oriental.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpaslang sa ibon na kabilang sa mga endangered species.

Lumabag sa Wildlife Act of 2002 ang pumatay kay Pamana.

Pinakawalan si Pamana nitong Hunyo 12 sa kagubatan ng Mt. Hamiguitan sa Davao Oriental bilang paggunita sa ika-117 Araw ng Kalayaan.

 

Show comments