TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 24 anyos na misis na tumangging makipagsayaw habang kritikal naman ang kanyang ina sa naganap na pananaga ng mister sa Barangay Duruarog, bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya kamakalawa. ?
Sa report na nakarating kay P/Senior Insp. Norly Gamal, hepe ng Diadi MPS, umuwing lango sa alak ang 32-anyos na mister na si Reynante Florendo at pilitin niyang aliwin at sayawan siya ng asawang si Liza Florendo.?
Gayon pa man, tumanggi ang biktima sa pamimilit ng suspek kaya sumiklab ang awayan ng mag-asawa na nauwi sa pananaga.
Tinaga rin ng suspek sa ulo at kamay ang biyanan na si Lolita De Guzman, 47 matapos itong tumulong sa kanyang anak na kalupaypay.
Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan si Lolita sa Veteran’s Regional Hospital sa bayan ng Bayombong. ?
Agad namang inaresto ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.