Trader inutas sa inuman

Napaslang ang 39-anyos na negosyante matapos itong pagtulungang gulpihin at saksakin ng pitong kalalakihan sa naganap na karahasan sa Barangay San Gabriel, bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Philstar.com/File

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 39-anyos na negosyante matapos itong pagtulungang gulpihin at saksakin ng pitong kalalakihan sa naganap na karahasan sa Barangay San Gabriel, bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Isinugod sa Rogaciano M. Mendoza Memorial Hospital subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Alexander Dela Cruz ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan. Pormal na kakasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Virgilio Estacio ng Brgy. San Gabriel; Alein Bautista ng Brgy. San Vicente at ang tatlong menor-de-edad.Tinutugis naman ng pulisya ang dalawa pang suspek na sina Marvie Estacio at Rodrigo Brazil. Ayon kay PO2 Ryan Marcelo, nag-iinuman ang biktima at ang kaibigang si Rodolfo Capili sa compound sa F.G. Cruz St. nang dumating at kinompronta ni Estacio ang biktima. Kaagad namang umalis ang suspek kung saan pagbalik nito ay kasama na ang iba pang suspek na armado ng patalim kung saan isinagawa ang krimen. Sa follow-up operations ng pulisya ay naaresto naman ang mga suspek habang ang dalawa ay nakatakas.

Show comments