Bunso inutas ng kuyang baliw

Crime scene sign

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Brutal ang naging kamatayan ng isang 24-anyos na binata sa kamay mismo ng kanyang nakakatandang kapatid na wala sa wastong pag-iisip nang laslasin ang leeg at pulso nito sa loob ng kanilang bahay sa Binitayan relocation site, GK Village, Barangay Anislag,Daraga, Albay, kamakalawa ng gabi

Ang biktima na nasawi ay kinilalang si Edgardo Mercadero Jr. 24, binata, graduate ng BS Secondary Education sa Daraga Community Collega at residente ng naturang lugar.

Ang suspek na kuya nito ay kinilalang si James Wilson Mercadero, 27, binata na umano ay may sakit sa pag-iisip.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi ay duma­ting ang tiyahin ng biktima at nagtataka ito kung bakit madilim ang bahay.

Nang buksan ang ilaw ay natagpuan ang biktima na nakabulagta sa sahig at  naliligo sa sariling dugo.

Nang dumating ang suspek sa bahay ay inamin nito sa kanyang tiyahin na siya ang may kagagawan ng pagpatay sa kapatid.

Inihahanda na ang pagdadala sa suspek na baliw sa Don Susano Rodriguez Hospital Cadlan, Pili,Camarines Sur upang ito ay ipagamot.

Show comments