Babae ginilitan, itinapon sa bangin

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang babae matapos itong gilitan ng hindi kilalang lalaki ay itinapon pa ito sa bangin sa Barangay Patalon, Zamboanga City, Zamboanga del Sur, ayon sa ulat kahapon. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-8:45 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng di-kilalang babae sa ibaba ng bangin. Kasalukuyan naglalakad ang isang concerned citizen nang mamataan nito ang bangkay ng babae na may malalim na laslas sa leeg bukod pa sa mga pasa sa katawan. Samantala, bandang alas-11:30 naman ng umaga kamakalawa nang marekober ang bangkay ng 24- anyos na si Alih Musa na nakalutang sa karagatan ng Sitio Madalum Duncaan sa Barangay Tigbalag, Zamboanga City. Base sa imbestigasyon, huling namataang buhay ang biktima na nanghuhuli ng alimango sa nasabing karagatan noong Agosto 7 ng hapon.

Show comments