Babae dinedo dahil sa ‘droga’

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang may kaugnayan sa bawal na droga ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ang 27-anyos ng babae ng isang lalaki sa loob ng San Marino Subdivision, Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling araw. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, naglalakad ang biktimang si Anna Marie Tuvera nang harangin at barilin sa ulo ng suspek na si Noel Naval ng Barangay Paliparan 3 sa nasabing lungsod. Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng  bala ng baril habang sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong may kinalaman sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa motibo sa pamamaslang.

Show comments