Misis ni-rape slay ng adik

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Pinaniniwalaang hinalay muna saka pinatay sa sakal ang 33-anyos na misis ng di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa droga sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Salvacion, bayan ng Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Evelyn Balmas sa liblib na bahagi ng nasabing barangay. Ayon sa ulat, huling namataang buhay ang biktima na nagpaalam sa kanyang ka-live-in kung saan hindi na nakauwi kaya pinagtulungang hanapin ng kanyang ina na si Fe at asawang si Roe Francisco. Natagpuan ang katawan ng biktima na walang saplot sa buong katawan na pinaniniwalaang hinalay muna saka pinatay.

 

Show comments