2 tulak arestado sa drug bust

CAMP TOMAS J. PEPITO, Angeles City, Philippines – Dalawang lalaki na nasa top 3 at top 3 drug watchlist  ang naaresto sa isang drug bust operation ng pulisya sa Brgy. Lourdes Northwest, nasabing lungsod noong Huwebes ng gabi. Sa report ni P/Sr. Insp. Marlon Ventus, hepe ng City Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group, kinilala ang mga suspek na si Julius Liwanag alyas Jojo, 37 at Carlito Liwanag, 62, kapwa residente ng No. 58 Jesus St., Brgy. Lourdes Northwest. Dakong alas-8:00 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation ng pulisya nang may magpanggap na poseur buyer ang isang pulis at makumpiska sa mga suspek ang apat na plastic small heat sealed sachet na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P180,000.

Show comments