Drug pusher todas sa shootout

MANILA, Philippines – Napaslang ang 44-anyos na drug pusher na nag-amok habang tatlong pulis naman ang nasugatan matapos itong maghagis ng granada sa Brgy. Pasonanca, Zamboanga City, Zamboaga del Sur noong Lunes ng gabi. Kinilala ang napatay na si Ruth Mendoza habang sugatan naman ang tatlong miyembro ng PNP SWAT na sina SPO3 Mohammad Alvin Sapal, PO3 Bonifacio, at si SPO1 Borja. Base sa police report na isinumite sa Camp Crame, rumesponde ang pangkat ng PNP SWAT dahil sa pagpapaputok ng baril ni Mendoza sa kahabaan ng Andico Drive, KM 4 sa nasabing barangay. Gayon pa man, naghagis ng granada si Mendoza kaya sugatan ang tatlong pulis kaya napilitang pagbabarilin para hindi na madamay ang ibang residente. Narekober kay Mendoza ang isang rifle, cal. 9mm pistol, cal. 38 revolver at isa pang granada.

Show comments