CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang matinding problema sa pananalapi ang isa sa motibo kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 39-anyos na sekyu matapos itong magbaril sa sarili sa Barangay San Agustin 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng umaga. Kinilala ni PO3 Reynald Afable ang biktima na si Jelou Catelina ng Block 36 Lot 3 sa Barangay San Isidro Labrador 1 sa nabanggit na lungsod. Base sa police report, nagbaril sa tiyan ang biktima gamit ang shotgun sa loob ng binabantayang Annies Plaza Building sa nasabing lungsod.Nagawa pang mag-text ng biktima sa kanyang misis bago isagawa ang pagpapakamatay.