Bike vs bike: Lolo utas, 2 grabe

BULACAN, Philippines  – Patay ang 60-anyos na lolo habang dalawa naman ang malubhang nasugatan matapos na magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Pulilan-Calumpit Road sa Barangay Dampol 1st, bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon ng madaling araw. Namatay habang ginagamot sa Bulacan Medical Center si Beneficto Dimapilis ng Brgy. Pinagbarilan sa bayan ng Baliwag. Malubha naman naisugod sa nasabing ospital ang magpinsang sina Arjay Arceo, 18, ng Brgy. Lumbac at Bobby Arceo ng Brgy. Dampol 1st. Ayon kay PO3 Bryan Felix, lumilitaw na magpapagasolina sana si Dimapilis ng kanyang motorsiklo sa kabilang kalsada nang salpukin ng motorsiklo ng magpinsan bandang alauna y medya ng madaling araw. Nabatid na walang crash helmet ang magpinsan kung saan kaagad na kinasuhan habang nagpapagaling sa ospital.

Show comments