P3.5-M ari-arian naabo

AP/Kevin Warn/Philstar.com/File

QUEZON, Philippines – Aabot sa P3.5-M halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang 50 kabahayan sa Barangay Angels Zone 1, Tayabas City sa Quezon, kamakalawa ng umaga. Sa ulat ng Tayabas BFP, bandang alas-9 ng umaga nang magsimulang masunog ang dalawang palapag na bahay na pag-aari ni Rodrigo Cablaida. Dahil sa init ng panahon ay tuluyang nilamon ng apoy ang mga katabing bahay na mga gawa sa light materials. Ganap na alas-10:45 ng umaga nang maapula ang sunog dahil sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng pamatay-sunog mula sa anim na bayan. Wala namang nasaktan o namatay sa sunog na patuloy pang inaalam ang pinagmulan ng apoy.

Show comments