Ginang dinukot, kinatay ng kapitbahay

LUCENA CITY, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang 57- anyos na Ginang matapos dukutin ng kanyang nakaalitang kapitbahay sa Purok Sta Theresa, Barangay Dalahican, kamakalawa ng umaga.

Tadtad ng tama ng sak­sak sa katawan ang biktima at may tama ng bala sa braso mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril nang matagpuan ang biktimang si Lubelinda Transporte, may-asawa ng Purok 2, Sampalucan.

Sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Joel de Mesa, hepe ng pulisya, Hulyo 22 ng gabi ay sapilitang hinaltak palabas ng kanyang bahay ang biktima ng nakaaway na kapitbahay na si Jesusimo Navarro, 40. Nang hanapin ang biktima ng mga kaanak ay nakitang duguang nakahandusay at wala ng buhay sa isang bakanteng lote.

Sa ulat ni PO3 Noel Diocos, nakita niya sa crime scene ang salamin ng suspek at nang tunguhin nila ang bahay nito ay nagtangka pang tumakas subalit agad na nakwelyuhan ng mga awtoridad.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek na nakapiit na ngayon Lucena Police Station.

Show comments