OFW nag-selfie utas sa sagasa

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Sinalubong ni kamata­yan ang isang overseas Filipino workers (OFW) na nagbabakasyon sa kanilang lugar matapos itong salpukin ng motorsiklo habang nagse-selfie sa likuran ng magandang tanawin ng karagatan sa gilid ng coastal road sa Barangay Balaoi, bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte kamakalawa. Namatay habang ginagamot sa ospital si Liezle Wage na nakatira sa bayan ng Bacarra, Ilocos Norte. Ayon kay PO2 Nonoy Labrador, na-enganyo magpakuha ng larawan ang biktima sa highway bandang als-3:45 ng hapon nang salpukin ng motorsiklo na minamaneho ni Perigno Lagundin ng Barangay Bolaui. Isinugod din sa Provincial Hospital ng Laoag City si Lagudin na nasa malubhang kalagayan.

Show comments