Jeep nahulog sa bangin sa Angono, 27 sugatan

MANILA, Philippines – Dalawampu't pitong katao ang sugatan mataos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeep Angono, Rizal ngayong Biyernes.

Ayon kay Angono police chief Senior Superintendent Lucilo Laguna isang pasahero na lamang ang nagpapagaling sa Angono General Hospital, habang ang iba ay nakauwi na.

Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng galos at pasa, dagdag ni Laguna.

Base sa imbestigasyo, tinatahak ng jeep (UVF 122) ang Domsa Road, Barangay San Isidro, Angono bandang 3:30 ng madaling araw nang mawalan ito ng kontrol,

Kumabig ang manibela ng jeep bago dumiretso sa 35-talampakang bangin.

Tumakas ang tsuper ng jeep na mula nang Antipolo City.
 

Show comments