Ilocos Norte inuga ng lindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang Ilocos Norte kahapon ng tanghali. Sa ulat ng Philippine Institute of  Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig sa silangan ng Pagudpud, Ilocos Norte dakong alas-12:04 ng tanghali kahapon. Naramdaman ang intensity 4 na pagyanig sa Laoag City, mga bayan ng Pasuquin, Pagudpud, Burgos sa Ilocos Norte at sa bayan ng Cla­veria, Cagayan. Samantala, naitala naman ang intensity 3 sa mga bayan ng Sarrat, Marcos, Paoay sa Ilocos Norte habang naramdaman ang intensity 2 na lindol sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte at sa mga bayan ng Sinait, at Vigan sa Ilocos Sur. Wala naman iniulat na napinsalang ari-arian at walang inaasahang aftershocks sa naganap na pagyanig. Angie Dela Cruz

 

Show comments