Misis tiklo sa pekeng P1-k

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Arestado ang 51-anyos na misis matapos itong makumpiskahan ng pekeng P1k na kanyang ibinayad sa grocery store sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija noong Martes ng umaga. Isinailalim na sa imbestigasyon ng pulisya ang suspek na si May Lazaro y French ng Barangay Sapang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan. Bandang alas-10 ng umaga nang magsumbong sa management ng pamilihang bayan ang 39-anyos na may-ari ng grocery store na si Robert Francisco ng Barangay Tikiwat kung saan bumili ang suspek. Ayon kay Francisco, iba’t-ibang items ang binili ng suspek at nagbayad ng pekeng P1000 bill. Nasamsam sa suspek ang apat pang pekeng P1,000 bill. Christian Ryan Sta. Ana

Show comments