Graduating stude inutas sa inuman

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Hindi na umabot ng commencement exercise ang 19-anyos na gradua­ting student matapos itong pagbabarilin ng kapwa estud­yante sa inuman sa Barangay Cubag, bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jerry Mania habang sugatan naman si Melvin Cagurangan matapos tamaan ng ligaw na bala ng cal. 38 revolver. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si King Abiqui na kapwa estudyante sa Isabela State University.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Mario Maraggun, dumalo sa graduation party at nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaklase sa bahay ni Marites Cagurangan nang sumiklab ang kaguluhan.

?Isinugod ng mga sumaklolo ang high school gra­duating student na si Melvin sa Milagros District Hospital habang hindi na umabot ng buhay si Mania.?

Matagal nang alitan ang isa sa motibo ng suspek kaya napatay ang biktima.

Show comments