2 ama pinabulagta

BULACAN, Philippines – Napatay ang dalawang ama matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa naganap sa magkahiwalay na karahasan sa lalawigan ng Bulacan kahapon. Sa ulat ni PO3 Alejandre Sumabat, binaril at napatay ng di-kilalang lalaki ang 44-anyos na si Manolo Martin habang ito ay umiinom ng alak sa kanyang bahay sa Barangay San Rafael, San Jose Del Monte Cty, Bulacan. Samantala, pauwi na ang 42-anyos na si Bimbinido Orensa kasama ang kanyang utol nang  harangin at ratratin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Minuyan III sa nasabing lungsod. Nakarekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal.45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments